ebook img

Kapag Maselan ang Larong-bata PDF

46 Pages·2009·0.3 MB·Tagalog
by  
Save to my drive
Quick download
Download
Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.

Preview Kapag Maselan ang Larong-bata

Kapag Maselan ang Larong-bata Kapag Maselan ang Larong-bata: Ang Panitikang Pambata bilang Pananggalang sa Abusong Seksuwal sa Bata Eugene Y. Evasco ABSTRACT This study examines four Filipino children’s books that deal with child sexual abuse. To evaluate the published works, studies by Bruno Bettelheim, Masha Rudman, and Howard Gardner on how stories and narratives for children can reinforce education, empowerment, and protection are used as guides. The four books aim to raise consciousness and provide a suitable strategy to solve the prevailing problem of child sexual abuse. The study shows the books’ significant attempts at educating children on how to deal with the problem through concrete solutions. These books delve into the sensitive subject of abuse while also instructing children on how to seek help from the authorities. The books introduce children to the touching rules, the concept of private parts of the body, and how to say no to malicious touching. The study also examines the weaknesses of the books like the superficial discussion of the subject matter, the convenient and quick resolution of the story, homophobia, sexism and stereotyping of sex offenders. In conclusion, this essay analyzes the representation of the experience, the physical aspects of the text, and the distribution of these alternative publications for children. Keywords: child sexual abuse, picture books, bibliotherapy, children’s literature, alternative publishing Don’t hold me on your lap, said the little girl, I am very heavy, you will get very tired. The man shook his head, and said nothing, but held her on his lap just the same. Humanities Diliman (January-December 2008) 5:1-2, 1-46 1 Evasco The little girl kept squirming, for somehow she felt uncomfortable to be held thus, her mother and father always treated her like a big girl, she was always told never to act like a baby. She looked around at Vicente, interrupting her careful writing to twist around. His face was all in sweat, and his eyes looked very strange, and he indicated to her that she must turn around, attend to the homework she was writing. But the little girl felt very queer, she didn’t know why, all of a sudden she was immensely frightened, and she jumped up away from Vicente’s lap. -Estrella Alfon sa “Magnificence” (1950) Sa tagapangunang sikoanaliktikal na pag-aaral ni Bruno Bettelheim na The Uses of Enchantment: The Meaning and Importance of Fairy Tales, inihapag niya ang mga teorya kung paano nakakaapekto sa mga bata ang mga fairy tale tulad ng Snow White, Jack and the Beanstalk, Cinderella, The Three Bears, at Sleeping Beauty. Iginiit niyang mahalaga ang mga kuwentong ito sa edukasyon, paggawad- kapangyarihan (empowerment), at pangangalaga sa mga bata. Kinilala niya ang mga kuwento bilang mahusay at mainam na tagapagturo sa intelektuwal, emosyonal, at espirituwal na buhay ng mga bata. Aniya, paraan ang mga kuwento para maipalaganap ang di-malay (unconscious) na modelo para sa mga batang mambabasa. Pinatunayan pa niya na ang mga sinuring fairy tale at mga kuwentong-bayan (folk tale) ay kasangkapang “makatutulong upang maangkupan ng mga bata ang mga sikolohikal na suliranin sa pagtanda at sa pagpapatibay ng kanilang mga personalidad” [“helping them cope with the psychological problems of growing up and integrating their personalities”] (Bettelheim 1989, 14). May kaugnay na pag-aaral din si Carla M. Pacis (2005), pag- aaral na maglalapat sa konsepto ni Bettelheim sa mga kuwentong halimaw (monsters) sa panitikang pambata ng Pilipinas. Anila, ang pagbabasa at pagsasadula ng mga bata tungkol sa mga halimaw at iba pang tauhang predator gaya ng bruha at mangkukulam ay magbibigay sa kanila ng estratehiya kung paano lulutasin ang mga suliranin at mga takot (fears). Ginawa ring sandigan ni Arthur Asa Berger sa kaniyang aklat na Manufacturing Desire: Media, Popular Culture, 2 Kapag Maselan ang Larong-bata and Everyday Life ang paniniwala ni Bettelheim sa bisa ng mahika sa mga bata. Aniya, “Kailangang manalig ang mga bata sa mahika sa isang yugto ng kanilang buhay upang matulungan ang sarili sa nakatatakot at kahindik-hindik na daigdig kung saan nakikita nila ang kanilang mga sarili bilang maliit at walang kapangyarihan” [“Children need to believe in magic at certain periods in their lives in order to help cope with frightening and terrifying world in which they find themselves small and relatively powerless figures.”] (Berger 1996, 102). Ilan sa mga karaniwang konsepto ng takot sa kuwentong- bayan ay ang maligaw sa gubat ang bata, makaligtaan o tahasang pabayaan ng magulang, at hayaang ipasagpang sa mga mabangis na hayop (Lurie 1990, 26). Mga pangyayaring simbolikal ito sa kuwento na maiuugnay sa pag-awat sa bata sa kaniyang magulang, pang- araw-araw na pakikibaka, mga panganib na banta sa mga bata, at ang proseso ng pagbibinata at pagdadalaga. Giit nga ni Max Luthi sa aklat niyang Once Upon a Time: On the Nature of Fairy Tales (1976), “Itinuturing ng mga tagapakinig at mambabasa ang mga fairy tale bilang simbolikong tula at hindi bilang realistikong akda.” [“Fairy tales are experienced by their hearers and readers, not as realistic, but as symbolic poetry.”] Susog pa ni Alison Lurie, “Nananatiling buhay ang fairy tale dahil inilalahad nito ang danas sa malinaw na simbolikong anyo. Minsa’y kailangang mapalaki, maisadula, at maisapantasya ang katotohanan upang higit itong maunawaan.” [“The fairy tale survives because it presents experience in vivid symbolic form. Sometimes we need to have truth exaggerated and made more dramatic, even fantastic, in order to comprehend it.”] (akin ang diin kay Lurie 2003, 125). Malaki ang gampanin ng mga simbolo, lantad man o kubli, sa mga kuwento para sa bata. Inilahad ni Bettelheim sa kaniyang aklat ang pagbibigay-kahulugan sa mga tauhan at banghay ng mga katha. Natukoy rin niya na makakaugnay ang mga batang mambabasa sa pagtatampok ng mga bayaning pinakabata, pinamaliit, at pinakabunso sa magkakapatid. Ipinapahiwatig nito na may kakayahan ang isang bata na maisakatuparan ang mga hamon sa mga pakikipagsapalaran (adventures), ituring man siyang bata lamang na walang tinig at hindi napagkakatiwalaan. Iginiit pa ni Bettelheim na hindi dapat kaltasin at linisin (sanitize) ang mga nakatatakot na aspekto ng mga fairy tales at kuwentong- bayan tulad ng karahasan at usaping seksuwal. Sa halip, dapat 3 Evasco itinuturing ang mga ito bilang pagbibigay-kapangyarihan sa bata sa kaniyang pagtanda o pagkagulang, sa paniniwalang malulutas at maisasaayos ang anumang hidwaan at tunggalian. Dagdag nga ni Albert Einstein, “Kung nais mong tumalino ang inyong mga anak, basahan sila ng mga fairy tale. Kung nais pang higit na tumalino, basahan pa sila ng maraming fairy tale.” [If you want your children to be intelligent, read them fairy tales. If you want them to be more intelligent, read them more fairy tales.] Hinahayaan ng mga kuwento na harapin at suriin ng bata ang kaniyang panloob na sarili (inner self). Nasusuri ng batang mambabasa ang kaniyang pang-araw-araw na tunggalian tulad ng pagpapahalaga sa kakayahan, pangamba, inggit sa kapatid, at ang pagtitimbang sa konsepto ng kabutihan at kasamaan. Kung gayon, kinakailangang maipabasa, isalaysay, at isadula ang mga kuwento para maipalaganap sa mas nakararaming bata at makatulong sa proseso ng pagbabahagi at paghihilom mula sa malakas at sikil na damdamin. Nakasandig sa mga pahayag at dalumat ni Bettelheim ang diwa ng pag-aaral na ito.1 Sinasasaklaw ng pag-aaral ang mga nalathalang aklat pambata sa Pilipinas tungkol sa abusong seksuwal sa mga bata (child sexual abuse) na nakabatay sa realistikong tradisyon ng pagkukuwento. Ibig sabihin, ang mga susuriing katha ay walang hibo ng pantasya tulad ng kuwentong-bayan o fairy tale. Lantad sa mga kuwento ang pinapaksa at hindi nagkakubli sa simbolikal na antas ang mga suliranin ng naratibo. Gagamitin giya sa pagsusuri ang mga argumento ni Bettelheim buhat sa kaniyang empirikal na pag-aaral. Ito ang mga sumusunod: (cid:127) Sandata ang mga kuwento sa edukasyon, paggawad- kapangyarihan, at pangangalaga sa bata. (cid:127) Mainam na instrumento sa pagtuturo ang mga kuwento dahil naipapalaganap nito ang mga di-malay na modelo para sa batang mambabasa. (cid:127) Makatutulong ang kuwento sa sikolohikal na pag-unlad ng bata. (cid:127) Naglalaan ng mga estratehiya ang kuwento tungkol sa paglutas sa mga suliranin at mga takot ng bata. (cid:127) Malilinang ng kuwento ang konsepto ng pagkabayani ng bata. (cid:127) Makapaggagawad-kapangyarihan ang kuwento sa batang mambabasa dahil sa pagbibigay ng sapat na kaalaman at kamulatan. 4 Kapag Maselan ang Larong-bata ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATA (CHILD SEXUAL ABUSE) Pinakakaraniwang anyo ng abusong seksuwal sa mga bata (ASB) ay isinasagawa ng isang taong malapit sa batang biktima (Renvoize 1993, 32.) Tinutukoy nito ang anumang uri o anyo ng seksuwal na exploitasyon sa isang bata o kabataan. Sa depinisyon ng United Nations Convention on the Rights of the Child (CRC) at ng UNICEF, sinasaklaw ng bata ang edad mula pagkasanggol hanggang 18 taon. Isinagawa ang pang-aabusong seksuwal ng isang taong higit na matanda o may-edad sa bata para sa kaniyang sariling stimulasyon at/ o lugod (gratification). Masalimuot na usapin ang “seksuwal” dahil ito ang gagamiting batayan sa pagtukoy kung ano ang pang-abusong seksuwal at di-seksuwal. Ayon kay Christiane Sanderson, kung magiging makitid ang depinisyon, tinutukoy ng ASB ang mismong seksuwal na pakikipagtalik (sexual intercourse). Kapag magiging malawak naman ang depinisyon, higit nitong masasalamin ang karanasan at kaso ng mga bata tulad ng pagpapakita ng mga pornograpikong materyal at ang paglalahok sa mga ito sa produksiyon ng pornograpiya (2004, 42). Sa pag-aaral na ito, sasaklawin ng ASB hindi lamang ang pisikal na ugnayan tulad ng panghihipo kundi inilalahok din sa mga akto ng exhibitionism, paglalahok sa gawaing pornograpiya, hanggang sa pakikipagtalik, o pagbebenta ng katawan (Renvoize 1993, 36). Sa CRC, sinabing pareho ang ibig ipakahulugan ng “sexual abuse” at “sexual exploitation.” Dagdag pa, “Ang mga nangangalaga sa mga bata at mayroong seksuwal na ugnayan sa kanila gaya ng magulang, nakatatandang kapatid, ibang kamag-anak, mga guro, mga coach, mga pari, mga doktor, mga katuwang sa bahay-ampunan, atbp. ay guilty sa abusong seksuwal. Tinutukoy ng abusong seksuwal ang mga aktong hindi marahas gaya ng malisyosong halik at panghihipo. Exploitasyong seksuwal naman ang pakikipagtalik sa sinuman kapalit ng salapi o iba pang mga bagay.” [“Persons who are responsible for children and who have any kind of sexual contact with them, such as parents, older brothers and sisters, other relatives, teachers, coaches, priests, doctors, the staff of children’s homes or organization, etc. are guilty of sexual abuse. Sexual abuse includes acts that do not include violence, such as improper kisses or caresses. ‘Sexual exploitation’ generally means having sex with someone in exchange for money or other things.”] (O’Donnell 1996, 85-86). Natukoy ni Daniel O’Donnell ang mga posibleng epekto ng seksuwal na pang-aabuso at ng seksuwal na exploitasyon sa mga 5 Evasco bata. Aniya, maaaring magdulot ng psychological damage ang ASB na makaaapekto habambuhay sa bata. Maaaring magdulot ito ng mababang pagtingin at kompiyansa sa sarili, hindi makapag-concentrate, nahihirapang makipagkaibigan at makipagsaya, nagkakaroon ng masasamang panaginip, atbp. Dagdag pa, may mga kasong nagiging mang-aabuso ang mga biktima sa kanilang pagtanda (O’Donnell 1996, 145). Samantala, nanganganib at nalalantad naman ang mga batang biktima ng seksuwal na exploitasyon (e.g. prostitusyon at pornograpiya) sa karahasan, ipinagbabawal na gamot, at sexually transmitted na impeksiyon at sakit (145). May tatlong uri ng ASB batay sa website ng Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA). Narito ang kanilang naisagawang kategorya ng naturang pang-aabuso: • Pisikal—panghihipo ng pribadong bahagi ng katawan, panlalamas, pagpapahipo at pagpapamanipula sa bata ng pribadong bahagi ng ibang tao, panghahalik, pakikipagtalik sa ari o sa puwit, o tangkang pakikipagtalik • Berbal—bastos na wika, maruming biro, pambubuska o pang-iinsulto • Biswal—pagpapakita ng ari, paninilip, pamboboso, pagkuha ng mga retratong pornograpiko, pagpapanood at pagpapakirinig sa bata ng mga aktong seksuwal (akin ang salin sa CPTCSA 2004) Itinala ni Sanderson ang sakop ng mga gawain at pag-uugaling kaugnay sa ASB. Napakalawak nito at inilalahok ang mga pang- aabusong non-contact tulad ng pamboboso o paninilip, pagpapakita ng kalaswaan, pagkuha ng mga video at larawang seksuwal at pornograpiko, paggamit ng mga seksuwal na wika at pananalita, paghuhubad sa harap ng bata, pakikipagtalik sa harap ng bata, at ang pagpapasuot ng damit sa bata na makapagpapaligaya sa mang- aabuso (2004, 42-43). Tinutukoy rin ng ASB ang mga pisikal na pakikipag-ugnayan (contact bahavior) tulad ng paghalik, paghipo sa suso o ari (genitals), masturbation, oral sex, pagpapahipo sa bata ng ari ng iba, sodomy, pagpapasok ng mga bagay at laruan sa ari ng bata, at ang paggamit ng daliri (digital and penile penetration) (43-45). Sang-ayon kay Renvoize, mauugat ang pang-aabusong seksuwal sa kakulangan ng autoridad at kapangyarihan ng bata sa lipunan kung kaya hindi maiwasang maitulak o mapilit siya sa mga 6 Kapag Maselan ang Larong-bata mga gawaing hindi niya lubusang maunawaan. Kaugnay nito, wala rin kakayahan ang bata na magbigay ng maalam na pahintulot (informed consent) sa nasabing mapanganib at maselang sitwasyon (36). Nalalagay rin sa alanganin ang bata dahil maaaring physically mature na siya ngunit ‘di pa mature sa aspekto ng emosyon at pag-iisip. Ipinapalagay tuloy ng mang-aabuso na pinahihintulutan siya ng bata sa hindi nito pagsasalita o pagrereklamo (Sanderson 2004, 45). Hindi rin nakakatutol ang bata dulot ng di-pantay na kapangyarihan, estado at autoridad, at ang antas ng manipulasyon, pagpupuwersa, at pagbabanta. Dagdag pa rito ang pagturing ng mga bata sa mga matatanda o may-edad bilang mga role model dulot ng kanilang autoridad at estado sa buhay (45). Pang-aabuso sa kapangyarihan (e.g. edad, kalagayang pang- ekonomiya, ugnayan sa bata) ang sanhi ng ASB. Naisasagawa ito sa loob ng espasyo ng tahanan o pamilya, at maaari rin namang sa labas ng espasyong ito. Halimbawa nito ang mga matatanda na higit na makapangyarihan sa bata at pinagkakatiwalaan ng bata. Sa loob ng pamilya, tinutukoy nito ang mga ama, ina, padrasto, madrasta, kaibigan ng pamilya, tiyo, tiya, kapatid, pangalawang kapatid, lolo, lola, pinsan, atbp. (46). Sa labas naman ng tahanan, matutukoy na halimbawa ang mga matatandang kahalili sa pag- aalaga sa bata (in loco parentis) tulad ng yaya, guro, pari, tagapagbantay, at coach. Maaari ring mga matatanda itong kilala o di-kilala ng isang bata tulad ng kapitbahay at mga naninirahan at namamasukan sa loob ng pamayanan (46). ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATANG FILIPINO Ayon sa Child Protection in the Philippines, itinuturing sa Pilipinas ang mga bata bilang pambansang asset. Sa bilang ng National Statistics Office (NSO) noong 2000, 36.2 milyong Filipino ang may edad 19 pababa. Ito ang humigit kumulang sa bilang ng mga bata sa bansa. At sa mga grupo o sektor sa bansa, ang mga bata ang higit na nahaharap sa mga banta at panganib. Nakaririmarim ang estadistika ayon sa CPTCSA. Anila, tinatayang isa sa apat na batang Filipino ang biktima ng ASB o kaya’y seksuwal na maaabuso bago pa man tumuntong sa edad na 18 (CPTCSA 2005, 11). Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong unang semestre ng 1999, 2,393 bata ang biktima ng panggagahasa, tangkang panggagahasa, incest, 7 Evasco mga akto ng kahalayan, at ng prostitusyon. Sang-ayon naman sa World Emergency Relief (2007), mababa pa sa 10% ang naiuulat na ASB sa Pilipinas. Dahil dito, maaaring konserbatibo pa ang tinatayang bilang ng CPTCSA sa mga kaso ng ASB. Sa panayam ni Lois J. Engelbrecht, ang tagapagtatag ng CPTCSA sa Pilipinas, Malaysia, at Vietnam, ibinalita niyang “malubhang naabuso ang 30% at halos 48% ng mga batang Filipino ang nakararanas ng unwanted physical contact” (Engelbrecht 2003, 1). Sa naturang estadistika, 85-95 % ng mga mambibiktima (perpetrator) ng mga kasong ASB ay kilala o pinagkakatiwalaan ng bata (McDaniel 2001, 205). Dagdag pa ng WER, “Ang sariling pamilya ang nagtutulak sa bata na ibenta ang katawan, at kadalasang napupuwersa sa prostitusyon ang mga batang lansangan.” [“A child’s own family members often sell them into the commercial sex industry, and street children are frequently forced into prostitution.”] Sa estimasyon ng End Child Prostitution, Child Pornography, and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT), 60,000 ang bilang ng mga batang biktima ng seksuwal na exploitasyon sa Pilipinas (sipi kina Miles at Stephenson, 12). Maaari itong ikompara sa bilang sa mga karatig-bansa natin: 200,000-250,000 sa Thailand; 400,000 sa India; 6,000 sa Vietnam; at 10,000-15,000 sa Sri Lanka (12). Sa sarbey na isinagawa ng NSO at ng UNICEF Philippines noong 2001, “60,000 hanggang 100,000 sa mga batang Filipino, karamihan ay babae, ang nasasadlak sa pagbebenta ng sariling katawan” (Delvigny-Jean 2005). Tinukoy ng Intersect noong 1995 na ang Pilipinas ang ikaapat na pinakamaraming batang prostitute sa buong daigdig. Sa dokumentasyon naman ni Daniel O’Donnell, napansin niyang dumodoble ang bilang ng mga kasong idinudulog sa DSWD kaugnay sa seksuwal na abuso at exploitasyon sa mga batang Filipino. Tumaas ang bilang mula sa 720 kaso noong 1993 patungong 1,586 kaso noong 1994 (1996, 146). Dagdag pa niya, 59% ng mga biktima ay may edad 13 hanggang 18, 26 % naman ang edad mula 7-12, at 15% ang mababa sa pitong taong gulang. Panggagahasa ang kinakakaraniwang anyo ng abuso (45%) at sinusundan naman ng kaso ng incesto (incest) (25%). Malaking bahagdan ng mga biktima ay mga babae (93%). Ilan sa mga salik na natukoy ng DSWD na nakaambag sa ganitong suliranin ay ang mga sumusunod: problema sa droga at pag-inom ng ama, isang silid na tahanan, at ang pagkawala ng ina sa tahanan dulot ng trabaho o problemang marital (sipi kay O’Donnell 1996, 147). 8 Kapag Maselan ang Larong-bata Sa ulat ni Ma. Cecilia Flores-Oebanda kaugnay sa pag-aaral ng Visayan Forum, malapit (vulnerable) sa seksuwal na pang-aabuso ang mahigit isandaang libong batang domestic worker sa bansa. Dagdag pa sa ulat, “Napag-alaman sa sarbey ng pamahalaan na 80 % ng mga iniulat na biktima ng panggagahasa, tangkang panggagahasa, at iba pang anyo ng abusong seksuwal ay mga batang manggagawa.” [In one district a government survey found that eighty percent of reported victims of rape, attempted rape, and other acts of sexual abuse were child domestic labourers.] (Flores-Oebanda 2005). Sa bahaging ito, masasabing hindi lamang mga batang domestic worker ang nasa panganib ng ASB kundi ang mga batang lansangan na rin na walang proteksiyon ng pamilya’t kaanak. Nakalantad din ang mga ito sa lahat ng uri ng panganib sa lansangan tulad ng kriminalidad, polusyon, gutom, droga, atbp. Sa pinakahuling ulat ng American Psychological Association, walong taong gulang ang kadalasang edad ng mga batang naaabuso. Dagdag pa ng pag-aaral, “Lumalabas na halos parehong nasa panganib sa seksuwal na pang-aabuso ang mga bata at kabataan, anuman ang kanilang lahi, kultura, o estadong pangkabuhayan. Ayon sa estadistika, higit na naaabuso ang mga batang babae kaysa batang lalaki. Ngunit maaaring makaapekto sa ganitong bilang ang tendensiya ng mga batang lalaki na hindi isumbong ang kanilang naranasang pang-aabuso.” [“Children and adolescents, regardless of their race, culture, or economic status, appear to be at approximately equal risk for sexual victimization. Statistics show that girls are sexually abused more often than boys are. However, boys’ and, later, men’s, tendency not to report their victimization may affect these statistics.”] (sipi kay McDaniel 2001, 205). MGA BATAS BILANG PROTEKSIYON NG BATA SA ABUSONG SEKSUWAL May epekto sa potensiyal ng isang bata ang lipunang kaniyang kinalakhan. Maaaring suriin ang ganitong salik sa pinakabatayang institusyon tulad ng pamilya hanggang sa lumawak ito bilang lipunan, bansa, at daigdig. Maiuugnay sa ganitong talakay ang sukatan sa pagiging makatao ng isang lipunan at nagtataglay ng bisyon ng magandang bukas sa pakikitungo at pagpapahalaga sa mga bata. Bukod sa pagiging tungkuling panlipunan, pambansa, at pandaigdig, nakahanay sa talaan sa ibaba ang mga dahilan kung bakit kailangan ng atensiyon, kalinga, at pangangala ng mga bata: 9 Evasco (cid:127) May pantay na katayuan ang mga bata sa mga matatanda. Malaking bahagi ng populasyon ng mundo ay mga bata. Nagsisimula ang mga bata na nakaasa sa iba, sila ang unang naaapektuhan ng kahirapan, polusyon, digmaan, gutom, at iba pang suliraning panlipunan (cid:127) Sa lahat ng aspekto ng patakaran ng gobyerno tulad ng edukasyon at kalusugan, higit na naaapektuhan ang bata kaysa ibang sektor ng lipunan. Ngunit kadalasan, walang konsiderasyong ibinibigay ang mga patakarang ito sa mga bata. (cid:127) Hindi kadalasang nabibigyang-pansin ang pananaw ng mga bata. Hindi sila botante at di kalahok sa mga prosesong politikal. Ngunit mayroon din namang mga lugar tulad ng paaralan kung saan maaaring marinig at igalang ang kanilang tinig. (may pagpapakinis at pagwawasto sa direktang sipi kina Quitoriano at Morala 2004, 15) Sa pagsusuri ng mga kaso ng ASB sa bansa, naglatag ang CPTCSA ng dalawang mahahalang salik (factor) na kailangang isaalang-alang. Kahirapan ang unang salik. Sang-ayon sa DSWD, 70% ng mga Filipino ay naghihirap (below the poverty line). Nagdudulot ng stress ang kahirapang ito na matinding pang-alis (remover) ng mga panlipunang inhibitor para seksuwal na molestiyahin ang isang bata. Mga aspektong moral at sibil naman ang ikalawang salik, ayon pa sa CPTCSA. Halos Katolikong bansa ang Pilipinas na may mga halagahang panrelihiyon na maglalaan ng makapangyarihang inhibitor laban sa ASB. Dagdag pa rito ang mga batas na nagpaparusa sa sinumang lalabag sa pang-aabuso sa bata tulad ng panggagahasa.2 Gayunpaman, kahit na mayroong makapangyarihang inhibitor tulad ng mga batas at kasunduan, nanatiling pangunahing suliraning panlipunan sa bansa ang ASB. ANG ABUSONG SEKSUWAL SA MGA BATA SA PANITIKANG FILIPINO Hindi na bago ang paksain ng ASB sa panitikang Filipino. Kagyat na magugunita ang klasikong kuwentong “Magnificence” ni Estrella Alfon. Taong 1950 nang ito’y malathala at maipapalagay na kauna-unahang akdang Filipino na pumapaksa sa seksuwal na molestasyon. Kahanga-hanga ang pagiging matimpi sa pagkakakuwento ni Alfon para sa napakasensitibong paksa. (Basahin ang epigraph.) Hindi natapilok sa pagiging sensasyonal at mapaggulat 10

Description:
Keywords: child sexual abuse, picture books, bibliotherapy, children's literature bayan ay ang maligaw sa gubat ang bata, makaligtaan o tahasang aklat ang pagbibigay-kahulugan sa mga tauhan at banghay ng mga katha.
See more

The list of books you might like

Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.