HIS PERSONAL SLAVE. because being yours was never easy. Written by Ella L./modernongmariaclara. All Rights Reserved. 2011. INSPIRED BY: KathNiel/Heartstrings/8th World Wonder No plagiarism, please. -------------------------------------------------------------------------------- (No prologue, sorry) CHAPTER 1. KATHRYN'S POV KATHRYN SANTIAGO. 1993 - 2011. MAY I REST IN PEACE. Hindi. Joke lang yun. Paano naman ako mamamatay eh nakakapagkwento pa nga ako sainyo ngayon. Maliban na lang kung may internet at Wattpad sa ilalim ng lupa. Pero seryoso, sana nga namatay na lang ako. Kaysa naman maging personal slave ako for a month ni Daniel Montenegro! -____- I mean, malaking kasalanan na ba yung accidentally na nadumihan ko yung polo niya dahil tinabig ako nung mga bruhang kaaway ko at nadulas ako tapos lumipad yung kinakain kong spaghetti sa kanya?! OO NA. Kasalanan ko na yun! Pero diba? Nagsorry naman ako eh. Nakakainis. Feeling ko papahirapan talaga ako nun. Eh kasi naman. Dito sa Montenegro University or MU, siya ang pinaka--let's say: Pinakasikat, Pinakamayaman dahil sa kanila yung school at marami silang kumpanya, Playboy, MVP ng Basketball Team, Best Swimmer ng Swim Team, Soccer player, Photographer, Painter, Writer, Model, Lahat na! Pero sa totoo lang, isa siyang mayabang, maangas, loko-loko at isang kilalang bad-boy sa school! Kasi lagi siyang nagpapaiyak ng babae, nanununtok ng lalaki, nang-aasar ng mga professor, tapos! Eto paaaaa.... FEELING GWAPO! (kahit gwapo naman siya talaga) Argh nakakairita talaga! Oo ako na affected! Kasi alam ko ang mga tipong katulad niya! Fake people! Harujuskoooo. -_______________________- Tapos nakakairita, lumapit siya sakin pagkatapos ko matapon yung spaghetti sa kanya. Nakangiti pa siya, TAKE NOTE! Nakangiti. Oh diba?! Akala ko di siya galit eh. Sabi ko nga: "Uy sorry. Hehe. Uhm. Nadulas kasi ako. Hindi ko sadya! Uhm. Promise yun!" Nakangiti pa siya nun at lumapit sa akin, habang tinatanggal niya yung spaghetti sa kanya, palinga- linga siya sa paligid. Wala namang tao. THANK GOD. Kasi nakakahiya. Baka may magvideo pa ng kaengotan at kapalpakan ko. "What's your name?" Nakangiti pa siya talaga. Nyeeh?! Natapunan ko na siya nakangiti pa? Hmm. "Ako? Ah bakit? Ano... Kathryn Santiago." "Anong course? And what's your block?" Bat ba siya tanong ng tanong? Okay medyo naseself- conscious ako, ampanget ko siguro. Panget naman talaga ako eh. "Ako? Business Administration major in Marketing Management. 4th year block 1. Bakit? Sorry talaga--" "Get ready for your punishment." "Sige ba." Tekaaaa- Ano? "Punishment? A-anong pinagsasabi mo?!" "Don't talk to me like that. Aish. Since you did this to me..." sabay turo sa polo niya. "You need to pay for it." "Pay for it?" "Worth 200, 000 pesos." "200, 000 PESOS?!" "Oo. So you better pay for it. Kakasuot ko lang ng polo na 'to for the first time. Tsk. Sayang naman." Sabay smirk. Aish! Ampupu. Wala akong ganung pera! I mean, yes may kaya kami pero para lang sa polo? Di pwede! "Ano? When will you pay me?" "..................................." "What?" "..................................." "Wala kang perang pambayad? Kawawa ka naman. Tsk. Ang clumsy kasi eh. Di pa kilala kung sinong binangga mo." OKAY ANG ARTE NIYA AH! "Eh kasi wala akong pambayad! Di ko naman kasi sinasadya eh!" "Okay." Okay daw?! Haaaa? Di ko na-gets. "Okay na? D-di ko na kailangan magbayad sayo? Weee salamat! Wala kasi--" "Hold up! Sinong nagsabing hindi mo na yan pagbabayaran? Pagbabayaran mo yan... in a different way. I'll give you a punishment. Accept it or you'll face expulsion at makikick-out ka." WHAAAAAAT?! Waaaaa. Ano ba kasi 'tong pinasok ko? Gulp. Sakyan mo na lang Kath! >.< "Uhm... sige. A-ano yun?" Lumapit siya sakin at tinanggal yung polo niya, crinumple na parang paper tapos binigay sakin. Naka- black na sando na lang siya at gulp... okay. Badboy ang dating! "You'll be my personal slave for a month. Okay? Oh eto labhan mo. Bwahahaha. *evil smirk*" Ah okay yun lang pala eh. Ano daw?! O____O ANG KAPAL NG MUKHA! Napalayo na siya kaya di na ako nakatanggi. Aish! Tatanga kasi ako eh. Epal rin kasi nung mga tumulak sakin! Nabasag pa yung salamin ko tuloy. Hayy. Yun na nga ang nangyari. Kaya simula bukas. Oo simula bukas! Ako, si Kathryn Santiago, isang dakilang nerd... Ay magiging personal slave ni Mr. Daniel Montenegro. aka Mr. Yabang! Sige na nga, papakamatay na ako. CHAPTER 2. KATHRYN'S POV Monday na. Start na ng araw ko sa pagiging slave. Sakto, first day ng second sem. Ano ba yan, di pa rin ako makapaniwalang magiging slave ako nung... nung... nung lalaking yun! Hayy. Bakit hindi rin ba kasi ako tumanggi? Eh bat ako tatanggi? May pambayad ba ako? Ewan ko ba! Haynako. -_________- Kumain muna ako ng breakfast, naligo, at syempre nag-ayos. Although hindi ko na kailangan mag-ayos dahil pangit naman ako. I mean, hindi naman sa pangit. Sabi lang nila pangit ako, paano ba naman kasi, naka-braces ako, kulot ang buhok ko, nakasalamin na makapal, yung uniform ko, ang laki, eh payat naman ako. Kasi nga... nerd ako. Bakit hindi ako nag-aayos? Ayoko eh. Eto kasi yung comfort zone ko, yung pagiging nerd ko. At least walang pumapansin sakin. Yung mga bruhang umaaway sakin, sila Joanna, yun lang naman yung mga epal sa buhay ko eh. Ewan ko ba kung anong ginawa ko sa kanila. Nakakabadtrip. Nilabhan ko nga pala yung shirt nung lalaking yun, nakakainis. Dahil sa pesteng polo na 'to, magiging slave niya ako. -_- Dami kong satsat. Makapasok na nga. "Ma. Alis na ako! Bye po." Nagbeso na ko kay mama at lumabas ng gate. --------------------------------- MONTENEGRO UNIVERSITY Haynako. Asan ba yung Daniel Montenegro na yun?! Ang laki kasi ng university, teka. Anong College Building niya ba? Ang alam ko 4th year na rin yun. Nako naman, babalik ko na kasi yung polo niya. Makapagtanong na nga lang. Kanino? Wala naman akong kilala. Aish. Dun na nga lang sa lalaking yun! Tutal mukhang hindi naman busy eh. Nakatayo lang kasi at nakasandal sa may puno. "Uhm hello! P-pwedeng magtanong? A-alam mo ba yung building ni D-daniel Montenegro?" Binigyan lang ako ng weird look nung lalaki. Grabe ang taray ah. "For what? Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang tao?" Okay ang sungit niya. Tss. Sayang effort! -________- "Ay sorry. Nevermind. Sungit." Tumalikod nako nun pero nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Ehhhhhhhhhhh? "Ako masungit? Hindi ah. Bakit ba kasi sakin pa nagtanong? Crush mo ako no? Dinahilan mo lang si Daniel para makausap ako no? HAHA!" Ano daw? Crush ko siya? SIYA? Ni hindi nga siya... okay gwapo siya, maputi, oh ano naman? Tss yabang. -_- "Hindi ah! Tss. Parang tinatanong ko lang. Aish. Bitawan mo nga ako. Dyan ka na! Nice talking huh?!" Tumakbo na ako nun para di niya ako maabutan. Aish. Nababadtrip na naman ako. Palinga-linga ako sa mga students, aba nakatingin sakin? Nanyare? Mga nakabusangot pa mukha. "OMG. She talked to him!" "Aaaaah! She's a flirt!" "Nerd na nga lumalandi pa!" "How dare she talk to Albie?!" "Flirt nga kasi!" Hindi ko na lang pinansin. Tsk. Edi makipag-usap rin sila! Nako naman. Sino ba naman kasi yung kinausap ko? Albie? Wait... Oh shit. Albie Ravena? Yung... nagbabasketball rin? Yung bestfriend nung Daniel na yun? OMG Nakakahiya naman! Aaaaaah. Ang fail ko. NAKAKAHIYA! Nakakahiya talaga! (__ __) CHAPTER 3. KATHRYN'S POV Pumasok na lang ako ng classroom, oh well, invisible ako kaya walang pumansin sakin. Napaka-self centered kasi ng mga classmates ko. Ewan ko ba. Maya-maya pumasok na yung professor namin, may kasunod na girl na maganda. "Okay class, before we start our discussion, I'd just like to welcome our new student here, ngayong second sem lang siya pumasok because of personal reasons, this is Zharm Sy. Zharm's father is one of the generous benefactors here in the University so please, be good to her." "Yes maam." "Okay please sit at the back besides... Ms. Santiago." Wow. First time kong magkakaroon ng katabi. Hahahaha. Baka magpalipat rin 'to, wala namang tumatabi sakin eh. Ampangit ko daw kasi. Tss. -_- Umupo na siya sa tabi ko. Nginitian niya ako. Nginitian ko na rin. "Ah... hello! I'm Zharm." Inabot niya yung kamay niya sakin. Okay mukha naman siyang mabait at hindi judgemental. :) "Uhm... Kathryn pala." Nagshake-hands kami. Tumahimik na lang ako nun kasi naman, wala akong masabi. Hehehe. "You're pretty by the way." Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya? "A-ako? Eh ampangit ko nga eh." "No. Hindi ka lang siguro palaayos." "Ah. Hehehe. Ganun nga." Nginitian niya lang ako. Maya-maya nagsalita ulit siya. "Can I join you for lunch later? Wala pa kasi akong friends eh. Kung okay lang. I don't really like these girls." sabay turo niya sa mga classmates namin. Puro girls lang kasi kami ngayon sa course namin. Ewan ko ba bakit wala masyadong magmarketing na lalaki. Nasa ibang block sila. "Ah. Okay lang... kaso. Sigurado ka?" Ngumiti siya. "Oo naman. Ano ka ba. I think we'll be very good friends." Okay ako na natutuwa. May kaibigan nako! (^___^) *tok tok* "Wait class." Lumabas si prof tapos may kausap ata sa door. Tapos nagulat ako ng makita ko kung sino yung kausap niya. Pumasok ba naman sa classroom! Si Daniel! Naka-topless! O_______O "AAAAAAAAAH SI DANIEL!" "OMG MAY ABS!" "6-PACK! NAKAKALAWAY!" "ANG GANDA NG VIEW!" Nakatulala pa rin ako habang sumisigaw 'tong mga classmates ko. Ano ba kasi ginagawa neto dito? At... gulp! Naka-topless pa! Mukhang may hinahanap si Daniel at biglang napatingin siya sakin. At nagsmirk. Oh no! "Excuse me Prof. I'll just excuse... her."sabay turo sakin. Napatingin naman sakin yung mga classmates ko. Gulp. "Hoy! Yung polo ko dala mo? Akin na. Suot mo sakin ah." sabay lip-bite. Aaaaargh! A-ano daw?! O.O "OMG! Did they..." "Uhm..." "Don't tell me nag-ano na sila?!" Oh shit. Grabe naman! Di naman porket nasa akin yung t-shirt niya nag... nag-ano na. Di ba pwedeng pinalabhan niya lang sakin? Okay pumapraybeyt-benjamin ako ah. Pero kasi naman! Ineembarass niya ako eh. "Oh Ms. Santiago. Ikaw pala hinahanap ni Mr. Montenegro. Sige na." Tumayo na ako dala-dala yung polo niya. Pagkaharap ko sa kanya, nakita ko siyang nagsmirk kaya lalo akong nainis. Ang tangkad niya pa. Kaya nakaharap ako sa... sa abs niya! Err. Tumingin ako sa kanya. Pabulong ko na sinabi. "Ano bang problema mo? Nakakainis ka!" "Eh ang sarap mo inisin eh. Hahaha. Pikon." Tapos tumawa pa. Take-note. Tahimik sa classroom. Tahimik! "Prof. Kausapin ko lang si Ms. Santiago. Excuse ko lang siya sa labas." "Oh sure you can Mr. Montenegro." Tapos hinila ako papalabas ni Daniel. Argh! Paimpress pa yung prof eh. Haynako! "Oh ano ba problema mo?" "Tsk. Hinahanap mo daw ako kanina. Di mo alam building ko? Slave pa naman kita." "Oo na! Ano ba kasi? Atsaka... bakit ka naman pumunta dito ng... naka-topless! Baka akalain nila..." "Sa tingin mo papatulan kita? Swerte mo naman." Yabang neto! Akala mo gusto ko! -_- "Che! Ang yabang mo. Oh polo mo!" Sabay bato sa kanya ng polo niya sa mukha niya. "Aba. Binato mo talaga? And you're talking to me like that? Ang--" "Ewan ko sayo! Tss. Papasok na ako!" Bubuksan ko na yung classroom ko ng biglang hinila niya na naman ako papaharap sa kanya. "Ano na naman ba?!" "Suot mo sakin 'to." sabay abot ng shirt niya sakin. Ano ako nanay niya? Ano siya bata? "Bahala ka dyan!" "Woah! Chill. Anong pangalan mo uli?" sinuot niya na yung shirt niya. Thank God. "Kathryn Santiago nga. Bakit na naman?" "Okay. Kathryn Santiago. Anong number mo? Wag kang magfeeling. Kailangan ko lang para kapag may papagawa ako sayo." Tsk. May sinabi ba ako? "Akin na cell mo." Inabot niya sakin at tinype ko na yung number ko dun. "Oh." sabi ko pagkabalik ko ng cell niya. "Text na lang kita. Dun pala ako sa Entrepreneurship Building. Kaya pag tinawagan kita oh tinext. Pag hinahanap mo ako, dun lang ako. Sabihin mo yung pinakagwapo. HAHAHA. " "Okay. Tss." "Ah so naggwapuhan ka nga sakin?" Lumapit pa siya sakin sobrang lapit. Aaaaaaargh! Tinulak ko nga. "Ano ba?" "Tss. Akala mo naman maganda ka." Haynako nanlait pa. -_- "Ang epal mo. Alam mo yun?" Tumawa lang siya. "Paano ba? Bye slave." Tapos alam mo yung nakakairita? Nag-lip bite siya! Err. Naiirita talaga ako! Ano siya nangseseduce?
Description: