PSYNERGY 8: Hanggang Saan ang Walang Hanggan? Ang Pagtuklas sa Sikolohiya sa Likod ng Walang Hanggan 21-22 Pebrero, 2014 De La Salle University-Dasmariñas Layout: Jessica Catrina Sta. Isabel Cover Page: Carl Garcia Mga Mensahe Para sa Psynergy 8 Para sa Psynergy 8: Walang masidlan ang tuwa namin ng madisisyunang dito na nga sa De la Salle University—Dasmariñas (DLSU-D) gaganapin ang ika-walong Psynergy. Kalakip ng umaapaw na tuwang ito ang aming pagbati sa lahat ng kalahok sa pagtitipong ito. Sa simula’t simula pa lang ng itatag and Departamento ng Sikolohiya (dating Behavioral Sciences Department) sa DLSU-D halos dalawampu’t limang taon na ang nakakalipas, kasama nang itinuro at patuloy pang itinuturo ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa hindi na mabilang ng dami ng mga estudyante ng Sikolohiya. Ang pagkiling ng DLSU-D sa SP ay hindi aksidente kundi nagmumula mismo sa mga paniniwala namin bilang mga Lasalyano. Naniniwala kaming ang Sikolohiya bilang isang agham at sining na ring maituturing ay kailangang sumalamin sa lipunang Pilipino. Naniniwala rin kaming upang mas lalong maging makabuluhan ang Sikolohiya, kailangan isangkap at isangkot ang pagka- Pilipino ng mga Pilipino sa mga usapin. Hanggang ngayon kahit sa gitna ng mga patuloy ng globalisasyon ng mundo, matingkad pa rin ang paninimula naming hindi dapat bumitiw sa SP. Kasama ng buong komunidad ng DLSU-D, isang mainit na pagtanggap sa lahat ng mga kalahok sa iba’t ibang ibayo ng Pilipinas. Alam kong marami sa inyo ay nagmula pa sa malalayong lugar. Nawa’y maging bukas ang ating mga puso at isipan at sana’y huwag kayong magkiming makibahagi at makisangkot. Silfa C. Napicol Tagapangasiwa, Departamento ng Sikolohiya De La Salle University-Dasmariñas 2 Mga Mensahe Para sa Psynergy 8 Maligayang bati sa lahat ng mga delegado sa PSYnergy 8!!! Makasaysayan ang edisyon ng PSYnergy sa taong ito dahil iyo ang kauna-unahang panahon na isasagawa ito sa labas ng Kalakhang Maynila. Sa ngalan ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), nagbibigay-pugay kami sa pamunuan ng Pamantasang De La Salle sa Dasmarinas sa kanilang pagsuporta sa natatanging kumperensiyang ito. Ipinagmamalaki namin ang pagpili ng temang tumatalakay sa konsepto ng “walang hanggan” sa kulturang Pilipino, isang paksa na pinag-isipan at pinili mismo ng mga estudyanteng bumubuo ng TATSULOK, ang network ng mga organisasyon mag- aaral na nagsusulong ng Sikolohiyang Pilipino. Kung hindi dahil sa kanilang walang sawang sipag at tiyaga sa ngalan ng boluntirismo, wala tayong kumperensiya ngayong taon. Nagpapasalamat din kami sa mga guro at iba pang bumubuo ng mga departamento ng sikolohiya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sa kanilang patuloy na pagtangkilik sa isang pagtitipon na binuo, plinano, at pinangasiwaan ng mga mag-aaral sa sikolohiya. Umaasa kami na matutugunan ng PSYnergy 8 ang inyong mga layunin sa pagdalo sa dalawang araw na pagtitipong ito. Maraming salamat sa inyong walang hanggang pagsuporta sa PSYnergy, sa TATSULOK at sa PSSP. Mabuhay kayo!!! Jay A. Yacat, M.A. Pangulo, Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino 3 Mga Mensahe Para sa Psynergy 8 Isang Mapagpalayang Pagbati inyong lahat! Isang napapanahon na paksa sa ika-walong kumperensiya ng Tatsulok ang Infinity o “Hanggang Saan ang Walang Hanggan” pagkatapos ng mga kalamidad na naranasan ng ating mga kababayan. Sa gitna ng mga kahirapang ito, paano nga ba makakamit ang walang hanggang hanggang buhay na puno ng siksik, liglig, at umaapaw na mga positibong pananaw? Kasama ng ating mga dalubhasa sa kani-kanilang mga larangan, sama- sama nating pakinggan at pag-usapan sa kumperensiyang ito ang mga posibleng mga kasagutan gamit ang Sikolohiyang Pilipino na naipamana sa atin ni Dr. Virgilio Enriquez. Ang taon na ito ay lalong naging natatangi dahil ginugunita din natin ang kanyang ika-dalawampung kamatayan. Ang kumperensiyang ito ay natatangi din dahil ito ang unang pagkakataon sa aking pagkakaalam na igagawad ang isang parangal para sa natatanging undergraduate research/thesis. Isa itong pagpupugay sa kahusayan ng ating mga estudyante sa kanilang paggawa ng pananaliksik. Sa ngalan ng PSSP, nais kong iparating ang isang mainit na pagpugay sa mga estudyanteng namumuno ng TATSULOK sa taong ito sa pamumuno ni Doreen Trinidad, na kanilang pangulo, kasama ng kanyang mga opisyales at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang katuwang na mga eskuwelahan. Walang hanggang pasasalamat sa De La Salle University - Dasmariñas sa pagiging punong abala ng kumperensiya sa taong ito. Ito ang unang pagkakataong inilabas ng Maynila ang Psynergy kaya napaka-espesyal ng kumperensiyang ito. Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng dumalo! Mabuhay ang TATSULOK at ang Sikolohiyang Pilipino! Homer J. Yabut, Ph.D. Tagapayo, Tatsulok Pangalawang Pangulo, PSSP 4 Pagpapakilala sa PSSP Ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ay isang panlipunan at propesyonal na organisasyong itinatag noong 1975 sa layuning isulong at itaguyod ang Sikolohiyang Pilipino bilang disiplina at kilusan para sa makabuluhan at makatuturang pag- aaral, pagsusuri, at pag-unawa ng diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino. Partikular na mga Layunin ng PSSP: ♣ Ipalaganap ang Sikolohiyang Pilipino sa unibersidad, simbahan, pribadong ahensiya, media, at pamahalaan. ♣ Mag-ambag sa diskurso ukol sa mga napapanahong usaping pambansa at pandaigdigan na gamit ang perspektibo ng Sikolohiyang Pilipino. ♣ Linangin at gamitin ang kaalaman, kaisipan at metodolohiyang batay sa yaman ng mga kultura at karanasan sa Pilipinas. ♣ Bumuo ng sistematikong paglikom ng mga materyal at kaalaman ukol sa kultura at lipunang Pilipino. LUPONG TAGAPAMAHALA Pangulo Jay A. Yacat, M.A Pangalawang Pangulo Homer J. Yabut, Ph.D Kalihim Jayson D. Petras, M.A. Ingat Yaman Josefina Andrea R. Cantiller, M.A. Lupon ng mga Kadiwa Prop. Miriam Grace Aquino-Malabanan G. Jose Mari A. Carpena Prop. Carl O. Dellomos Bb. Christine Ann A. De Villa Prop. Howell B. Calma Dr. Roberto E. Javier, Jr. Prop. Silfa K. Napicol Dr. Maria Guadalupe C. Salanga Tagapangasiwang Direktor Jayson D. Petras, M.A. 5 Talaan ng mga Naging Pangulo Virgilio G. Enriquez Pangulong Tagapagtatag Esther S. Reyes Lilia F. Antonio Ma. Angeles Guanzon- 1979-1980 1989-1990 Lapeňa 1999-2000 Manuel F. Bonifacio Rogelia Pe-Pua 1981-1982 1991-1992 Flordeliza Lagbao- Bolante Abraham B. Velasco Grace Aguiling-Dalisay 2001-2002 1983-1984 1993-1994 Grace Aguiling-Dalisay Felipe De Leon Jr. Proserpina D. Tapales 2003-2007 1984-1985 1995-1996 Jose Maria Bartolome Alfredo V. Lagmay Elizabeth Protacio- 2008-2011 1987-1988 Marcelino 1997-1998 Benito L. Tehankee 2011-2012 Jay A. Yacat 2012-Kasalukuyan Mga Kasaping Pandangal Gawad Sikolohiyang Pilipino Teodoro A. Agoncillo, Kasaysayan Virgilio Enriquez, 1994 Renato Constantino, Kasaysayan Rogelia E. Pe-Pua, 1998 Jose “Pepe” W. Diokno, Pulitika Prospero R. Covar, 2000 Alfredo V. Lagmay, Sikolohiya Zeus A. Salazar, 2002 Cecilio Lopez, Linggwistika Lilia F. Antonio, 2004 Genoveva Edroza Matute, Panitikan Estefania Aldaba-Lim, 2009 Tagalog Carmen Enrile, 2011 Ramon Munzones, Panitikang Hiligaynon Ponciano B.P. Pineda, Wika Bonifacio P. Sibayan, Linggwistika 6 Mga Gawain at Programa ng PSSP PAMBANSANG KUMPERENSIYA SA SIKOLOHIYANG PILIPINO Isinasagawa taun-taon ang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino. Kumprehensibong tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya ang isang piling tema. Nitong mga nakaraang taon, isinasagawa ang pambansang kumperensiya tuwing Nobyembre bilang paggunita sa kaarawan ni Dr. Virgilio G. Enriquez, ang Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Sa tuwing ikalawang taon, isinasagawa ang kumperensiya sa labas ng Kalakhang Maynila. KAPIHAN SA PSSP Itinataguyod ang Kapihan sa PSSP isang Sabado minsan sa isang semestre sa tanggapan ng PSSP. Isa itong okasyon kung saan tinatalakay ang mga bagong pananaliksik kaugnay ng mga isyung konseptuwal, teoretikal, pilosopikal, at metodolohikal sa Sikolohiyang Pilipino. PILING PILING ARAW Paksa. Inumin. Pagkain. Ito ang mga sangkap na nagpapalinamnam sa Piling Piling Araw (PPA). Nag-aanyaya ng mga piling tagapagsalita upang magtalakay sa isang natatanging paksa. Sinusundan ito ng pagsasalo sa katutubong inumin at pagkain. Inililibot ang PPA sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. TATSULOK-PSSP Itinataguyod ang TATSULOK upang pagtagpuin ang mga pinuno ng mga organisasyong pang-mag-aaral ng iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na nagsusulong ng pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino. Pagkakataon ito para sa pagpupulong tungkol sa pakikipagtulungan ng mga organisasyon sa mga gawain at programa ng PSSP at pagbubuo ng mga gawain at programa ng mga organisasyong pang-mag-aaral. 7 Mga Gawain at Programa ng PSSP LINANGAN SA SIKOLOHIYANG PILIPINO Binubuo ng iba’t ibang pagsasanay sa lalong pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino ang Linangan sa Sikolohiyang Pilipino (LSP). Sa kasalukuyan, may dalawang natatanging kurso at programa ang LSP: (1) Mga Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik at (2) Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino. AKLATAN SIKOLOHIYANG PILIPINO Pinapangasiwaan din ang Aklatan sa Sikolohiyang Pilipino sa tanggapan ng PSSP. Naglalaman ang naturang aklatan ng malawak na koleksyon ng mga babasahin at lathalain ukol sa sikolohiya, lipunan, kultura at kasaysayang Pilipino. Malaki ang maitutulong ng aklatan sa pag-aaral at pananaliksik ng mga dalubhasa, estudyante, at may interes sa Sikolohiyang Pilipino. SALIKSIKAN SA SIKOLOHIYANG PILIPINO Itinataguyod ang Saliksikan sa Sikolohiyang Pilipino bilang programang pananaliksik ng PSSP. Sa kasalukuyan, may tatlong pangunahing grupong pananaliksik ang Saliksikan: (1) Pamamahala at Pamumuno, (2) Pagkatao at Sekswalidad at (3) Kulturang Popular at Media. PUBLIKASYON SA SIKOLOHIYANG PILIPINO Itinataguyod ang iba’t ibang Publikasyon sa Sikolohiyang Pilipino gaya ng mga aklat, jornal, at monograp tungo sa higit pang pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino. Inilalathala ang mga katitikan at ulat ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino, Kapihan sa PSSP, Piling Piling Araw at materyales mula sa Linangan sa SIkolohiyang Pilipino, at Saliksikan sa Sikolohiyang Pilipino. May mga digital na publikasyon din bukod sa pagkakaroon ng website: www.pssp.org.ph 8 Pagpapakilala sa Tatsulok Ang Alyansa ng mga Mag-Aaral sa Sikolohiyang Pilipino o TATSULOK ay samahan ng mga mag-aaral na naglalayong magtatag ng isang alyansa upang isulong at isabuhay ang Sikolohiyang Pilipino. Kabalikat ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), nilalayon ng TATSULOK na magsilbing pangunahing tulay ng mga mag-aaral upang mapalaganap ang mga prinsipyo ng Sikolohiyang Pilipino. Kasalukuyan itong may labing-tatlong (13) kasaping organisasyong pang-mag-aaral: CEU Psychology Society DLSU Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya DLSU-D Psychological Society EAC-C Psychological Society FEU Psychology Society HAU-Pampanga Psychology Society LPU-B Psychology Association PLM Psychological Society PNU Psychology Society PUP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino SBC Psychology Society UE Psychological Society UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino Matatagpuan ang tanggapan ng organisasyon sa himpilan ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) sa 4A Alcal Building 285 Katipunan Avenue, Quezon City. Maaaring bisitahin ang Facebook ng TATSULOK sa http://facebook.com/tatsulok13 o ang Twitter sa http://twitter.com/tatsulokPSSP para sa karagdagang impormasyon. Mga Gawain ng Tatsulok Oryentasyon: Tuwing buwan ng Setyembre ay nagsasagawa ng oryentasyon para sa mga organisasyong nais sumali ng TATSULOK. Dito inilalahad ang mga plataporma ng Tatsulok, tungkulin, at pribilehiyo ng mga kasaping organisasyon ng TATSULOK at ang pamantayan sa deliberasyon ng mga aplikante. SP Primer: Isinasagawa tuwing buwan ng Setyembre. Layunin ng seminar na ito na magbigay kaalaman ukol sa Sikolohiyang Pilipino, na pangunahing isinusulong ng samahan, sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Psynergy: Kumpirensyang inihahandog ng mga mag-aaral ng Sikolohiya na kasapi ng TATSULOK para sa mga kapwa mag-aaral ng Sikolohiya mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Ang dalawang araw na kumperensyang ito ay may layuning pagbuklurin ang mga mag-aaral sa pagpapalawig ng kaalaman hinggil sa Sikolohiya sa pamamagitan ng paglulunsad ng workshops at paper-sharing. 9 Pagpapakilala sa mga Kasaping Organisasyon ng Tatsulok Centro Escolar University Psychology Society Guided and inspired by the University maxim Ciencia y Virtud, CEU seeks to be the University of First Choice- the leading higher education institution fostering excellence in the pursuit of knowledge while engendering personal integrity and social responsibility. The CEU Psychology Society caters not only to students interested in the field, but to everyone with a passion and a heart for service. The organization aims to up fit its members through programs in and out of the university focused on strengthening their knowledge of this science and their character with Escolarian virtues. De La Salle University Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya As an organization, SMS shall recognize the individuality of its members, but it will also seek to foster cooperation, unity and camaraderie that will lead to a synergy. This will greatly harness the potential of its member’s thereby, completing their development as well-rounded individuals. As a psychological organization, SMS will establish the study of Psychology and its related discipline within and outside the walls of the University. It shall focuses on the development and advancement of Sikolohiyang Pilipino as a discipline. SMS believes that classroom learning is important, but more to that, it shall serve as a vehicle that will supplement these learning. 10
Description: