1. Masarap ba ang africhado?
2. Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?
3. May mga notebook bang lumilipad?
4. Bakit may mga bag na may ahas sa loob?
5. Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?
6. Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?
7. Saan ang Ganges River sa Pilipinas?
8. Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?
9. Nagpa-vasectomy ka na ba?
10. Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?
11. Ano ang K-12?
12. At bakit biglang nag-full volume ang “Secret” ng OMD?
Matapos ang labindalawang taon ng “basic education,” nagbabalik ang kauna-unahang libro ni Bob Ong at instant Pinoy classic na nagpaalala sa mga Pilipino ng kakayahan nilang matuto. Magbalik-tanaw sa buhay-estudyante, sariwain ang mundo sa loob ng eskwelahan, at muling kilalanin ang sarili ayon sa mga natutunan sa buhay ngayong malaki ka na, nakakaunawa ka na, at...aba, nakakabasa ka na!
* * *
LINK: bit.ly/sibobpo (Official Website)